... Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga...
article - Mga wika sa Pilipinas

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

Ang watawat ng bansang Pilipinas
Mapa ng mga pinakasinasalitang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:


  Next Page » More information about  

 Mga wika sa Pilipinas  







  Next Page » More information about  

 Mga wika sa Pilipinas  

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under "Creative Commons - Attribution - Sharealike" [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the "GNU Free Documentation License" [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages [3] [4] [5] [6] [7]. Web links: [1] [2]