... networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan,...
article - Facebook

Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na ibinibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.

Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard. Noong una, limitado ang pagsapi sa website na ito sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng mahigit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo. Gayumpaman, noong Mayo 2011, ang Consumer Reports ay nakitang mayroong mahigit 7.5 milyong akawnt na edad 13 pababa at na may mahigit 5 milyon sa edad na 10 pababa na lumabag sa patakaran ng websayt.


  Next Page » More information about  

 Facebook  







  Next Page » More information about  

 Facebook  

This article is issued from web site Wikipedia. The original article may be a bit shortened or modified. Some links may have been modified. The text is licensed under "Creative Commons - Attribution - Sharealike" [1] and some of the text can also be licensed under the terms of the "GNU Free Documentation License" [2]. Additional terms may apply for the media files. By using this site, you agree to our Legal pages [3] [4] [5] [6] [7]. Web links: [1] [2]